Sunday, March 11, 2012

Ang Taong Tabon


Pagsusulit (Quiz)


Pagsusulit sa Sibika at Kultura 3

Pangngalan     : _____________________________________
Petsa              : _________________________

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Kuweba ng Tabon
Palawan
1962
Bato at kahoy
Taong Tabon
bungo at panga
Pambansang Museo
22 000 taon

________________________1. Dito matatagpuan ang mga labi na nahukay sa kuweba.
________________________2. Saan matatagpuan ang kuweba ng Tabon?
________________________3. Ano ang natuklasan sa loob ng kuweba?
________________________4. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan dito?
________________________5. Ano ang patunay na may mga taon nanirahan sa kuweba
                                                            ng Tabon?
________________________6. Isa itong lugar na matatagpuan sa Palawan.
________________________7. Kailan natuklasan ang mga labi sa kuweba?
________________________8. Ito ang gamit nila sa paghuli ng makakain.
________________________9. Isa ito sa ating mga ninuno.
_______________________10.Ilang taon na ang nakalipas na ang mga labi ay nakabaon
                                                            sa kuweba.

Mga sagot:

11.    Pambansang Museo
22.    Palawan
33.    Bungo at panga
44.    Taong Tabon
55.    Bungo at panga
66.    Kuweba ng Tabon
77.    1962
88.    Bato at kahoy
99.    Taong Tabon
110.  22 000 taon

Banghay Aralin sa Sibika at Kultura 3 (Lesson Plan in Civics and Culture 3)


Banghay Aralin sa Sibika at Kultura 3

I.              Layunin

Sa tulong ng mga larawan at iba pang kasanayan, ang mga mag-aaral sa ikatlong baiting na may 80% tagumpay ay inaasahang:
a.    nakakikilala ang mga taong Tabon;
b.    naipapahayag ang kahalagahan ng mga ninuno; at
c.    nakabubuo ng concept map tungkol sa kaalamang natutunan.

II.            Paksang Aralin

Paksa: “Ang Mga Taong Tabon”
Sanggunian: Sanlahi 3, Danilo V. Lemi, et al.; d. 130-131
                   Lahi 3, Diana PeƱano, et al.
                   Malayang Pilipino 3, Luz dela Cruz
Kagamitan: mga larawan, istripa ng mga salita, basket tsart

III.           Pamamaraan

A.   Balik-aral
Gamit ang basket tsart, pipitas ang mga mag-aaral ng prutas kung saan may mga tanong na kailangan nilang sagutin.
1.    Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga sandatang gawa sa bakal.
pagpapanday
2.    Anong bagay dapat gawa ang maskara na isusuot ng patay upang makapasok sa kabilang buhay?
ginto
3.    Anong panahon o taon nagsimula ang panahon ng metal?
1500 B.C. – 800 B. C.
4.    Sasakyang pandagat na nagpaunlad sa mobilidad noong panahon ng metal.
balanghai
5.    Magbigay ng halimbawa ng bagay na gawa sa metal.
6.    Tumutukoy ito sa katutubong sistema ng pagsulat.
Alibata
7.    Saan matatagpuan ang bai-baitang na palayan sa Pilipinas?
Bundok ng Cordillera
8.    Banga na may nakalilok sa takip na dalawang taong nakasakay sa bangka.
Bangang Manuggal
9.    Ano ang sinisidlan ng pagkain at paghuli ng isda?
basket
10. Magbigay ng isang gamit ng alahas noon?

B.   Pagganyak
Magpapakita ng larawan ng isang kuweba. Itatanong ang mga sumusunod:
-Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
-Ano ang makikita ninyo sa isang kuweba?
-May mga kuweba ba kayong alam na matatagpuan sa Pilipinas? Anu-ano ito?

C.   Paglalahad
1.    Ipapakita ang mapa ng Palawan.
-Anong lugar ba ito sa Pilipinas?
-Anu-anong mga pook na kilala ang matatagpuan sa Palawan?
2.    Alam niyo ba na may kuwebang matatagpuan sa Palawan (Ipapakita ang larawan.)
-Ano kaya ang pangngalan ng kuwebang ito?
3.    Sa kuwebang ito, may mga natagpuan noong 1962, (Ipapakita ang larawan ng bungo at bahagi ng panga ng tao.)
-Ano ba ang mga ito?
-Kanino kay ang mga ito?
-Bakit tinawag silang mga taong Tabon?
-Saan natin matatagpuan ang ilang labi ng taong Tabon? (Ipapakita ang larawan ng Pambansang Museo.)

D.   Paglalahat
Bubuuin ang isang concept map, sa tulong ng mga tanong.

               
Tanong:
1.    Saan matatagpuan ang mga taong Tabon?
2.    Saan sa Pilipinas ito matatagpuan?
3.    Kailan natuklasan na may mga labi ng taong Tabon dito?
4.    Anu-ano ang ebidensya na may mga taong Tabon?
5.    Saan nakatago ang ilang labi ng taong Tabon sa panahon ngayon?

E.   Pagtataya
Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Kuweba ng Tabon
Palawan
1962
1692
Taong Tabon
bungo at panga
Pambansang Museo
22 000 taon

________________1. Dito matatagpuan ang mga labi na nahukay sa
                                       kuweba.
                        ________________2. Saan matatagpuan ang kuweba ng Tabon?
                        ________________3. Ano ang natuklasan sa loob ng kuweba?
                        ________________4. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan dito?
                        ________________5. Ano ang patunay na may mga taon nanirahan sa
                                                               kuweba  ng Tabon?
                        ________________6. Isa itong lugar na matatagpuan sa Palawan.
                        ________________7. Kailan natuklasan ang mga labi sa kuweba?
                        ________________8. Ito ang gamit nila sa paghuli ng makakain.
                        ________________9. Isa ito sa ating mga ninuno.
                        ________________10.Ilang taon na ang nakalipas na ang mga labi ay
                                                                nakabaon sa kuweba.

F.    Takdang Aralin
Magsaliksik ng isang larawan ng taong Tabon. Ilagay ito sa isang short bond paper.